85948200

Bisaya Bloggers » Magdalo

Nov 29 2007

Walkout

Ilang beses ka na bang tumayo at sinabi mo sa sarili mo sobra na tama na, ayoko na? Nakailang beses na bang sinubukan ang iyong katapatan para ipakita sa mundo ikaw ay isang taong mayroon paninindigan sa sarili? Tulad ng dati, buong tapang na hinarap ni Trillanes ang magiging kahinatnan ng kanyang aksyon, para sa Pilipino, Para sa Bayan. «For the safety of everyone, we’re going out … because

Nov 29 2007

Oh no not again Trillanes!

«We want change,» Mr Trillanes told the Associated Press on Thursday Nagulantang ang buong sambayanan maging ang mga Filipinong nasa ibang bansa sa balitang nasa loob ng Manila Peninsula Hotel si Senador Antonio Trillanes kasama ng mahigit talumpong sundalong nanawagan sa pagbitaw sa pagkapangulo ni Gloria M. Arroyo.Sa kasalukuyang di tinanggap ni Trillanes ang sinasabing 3pm deadline mula sa

Apr 12 2007

Magdalo Boys, May Tulog Pa Rin Kahit Umamin Sa Sala

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 12 Apr) – Nakadepende pa rin kina Armed Forces chief General Hermogenes Esperon at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung ano ang magiging pinal na hatol kasunod ng pag-amin sa kasalanan ng may 54 Oakwood mutineers.Sa Enero ng susunod na taon ay nakakasa nang makalaya ang naturang junior officers matapos na pumasok sa plea bargaining agreement at naghain ng guilty plea upang mapagaan ang sentensya.Ayon kanina kay AFP Public Information Office Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro, maaaring patagalin o padaliin na rin ng AFP Chief ang pagpapatupad ng parusa sa mga batang opisyal ng militar.Katwiran nito, si Esperon ang tumatayang convening authority ng General Court Martial na may kapangyarihang ungkatin ang sentensya bagamat hindi na mababaligtad ang guilty verdict sa mutineers.»The usual procedure is that the convening authority will review the recommendations of the court martial. He can’t change the verdict but he will examine if the procedures were followed and if the punishment imposed is commensurate to the offense committed or within the bounds of the punishment system of the AFP,» ayon kay Bacarro sa isang pulong balitaan.

Ang naturang 54 officers ay kabilang sa 300 sundalong miyembro ng Magdalo na nakisangkot sa bigong kudeta noong Hulyo 27, 2003 na kamakailan ay hinatulan ng pitong taon at anim na buwang pagkakakulong ngunit nabawasan na rin dahil sa pagsisilbi sa piitan at mitigating circumstances. (Juley Reyes)

Apr 11 2007

54 Magdalo Boys, Umamin Sa Sala!

MANILA (Mindanao Examiner / 11 Apr) – Umamin na sa pagkakasala ang tinatayang 54 na miyembro ng Magdalo group na nakisangkot sa nabigong kudeta noong Hulyo 2003.Ngunit, tiyak na ang paglaya ng mga ito sa Enero 27 ng susunod na taon.Kasunod ito ng pag-apruba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General Court Martial (GCM) sa pinasok na plea bargaining agreement ng kampo ng mga batang opisyal ng militar upang mapagaang ang kakaharaping sentensya.Sa desisyon ng military court, ginawaran ang mga akusado ng parusang pagkakakulong ng pitong taon at anim na buwan at dishonorable dismissal na nangangahulugang walang matatanggap na benepisyo ang mga ito.»After confidential deliberation and in chamber and upon secret balloting, declares upon unanimous vote that the accused are hereby adjudged guilty beyond reasonable doubt of violations of Articles of War 97,» ayon kay Colonel Ana Escarlan, law member ng military court.Gayunman, itinuring na «deemed served» na ang halos apat na taong nakulong ang Magdalo officers at nabawasan rin ng tig-isang taong pagkakapiit ang bawat «mitigating circumstances» tulad ng naging agarang pagsuko ng mga matapos ang mutiny, pagpasok sa plea bargaining at ang matagal na pagkakakulong.Sa pagdinig kanina, pinalitan ng mga mutineer ang kanilang guilty plea sa paglabag sa Article of War 97 (conduct prejudicial to good order and military discipline) na may pinakamababang parusa.Kapalit nito ang pagbasura sa iba pang kasong paglabag sa Articles of War 67 (mutiny), 63 (disrespect to the President), 64 (disrespect towards superior officer), at 96 (conduct unbecoming an officer and a gentleman).Pito naman na kasama ng 54 ay tumangging makisali sa plea bargain.Hindi kabilang sa naturang grupo ang mga itinuturing na 29 core leaders ng naunsyaming Oakwood mutiny.Pinagtibay rin sa pagdinig ang pagpapalaya sa apat na junior officer na inirekomenda ng Army Special Adjudication Board na madismis dahil sa kawalan ng sapat na batayan upang madiin ang mga ito sa mga kaso.Kabilang sa dito sina First Lieutenants Edmund Bandilla at Marcelino Mendoza, at Second Lieutenants Gerald Daen at Percival Alcanar.Samantala, mariing naman itinanggi ngayon ni AFP Echief Hermogenes Esperon ang umano’y panunuyo nito sa isang coup plotter upang maging testigo kapalit ng pagpapalaya.Ayon kay Esperon, walang isinasagawang negosasyon upang mapabaligtad si Army Captain Dante Langkit.»I was hoping that was that they approached me for but I don’t think I should be making a deal with him as it turns out now he can make up stories so you ask him what he heard from me,» ani Esperon.Una nang inihayag ng kapatid ni Captain Langkit na si Danzel na inalok umano sila ni Colonel Daniel Lucero, ang executive assistant ni Esperon, na makakalaya kung magiging testigo laban sa mga nakisangkot sa bigong kudeta noong Pebrero ng nakalipas na taon.»I was not able to talk to the brother of Capt. Langkit so he is free to make up his own stories,» dagdag ni Esperon.

Kasabay nito, kinatwiranan din ni Esperon ang hindi pagpigil sa paghahain ng certificate of candidacy ni Langkit bilang kongresista ng Kalinga province bagamat hindi nito inaprubahan ang paglabas ng piitan ng junior officer. (Juley Reyes)

Mar 14 2007

MAGDALO Officers Bumigay Na!

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 14 Mar) – Aabot diumano sa hanggang dalawampung opisyal ng militar na nadadawit sa bigong mutiny noong Hulyo 2003 ang nagpahayag ng kahandaang umaming guilty kapalit ng mas mababang parusa.Nabatid kanina kay military prosecutor Colonel Pedro Davila na nagdesisyon ang naturang Oakwood mutineers buhat sa kabuuang 59 akusado na baguhin ang kanilang not guilty plea na inihain nito noon sa pagsisimula ng General Court Martial hinggil sa kanilang paglabag sa Articles of War.Binanggit pa ni Davila na may iba pang 40 opisyal ang seryosong ikinukonsidera ang pagpasok sa plea bargaining agreement ngunit hindi pa maisapinal dahil na rin sa pagkakahiwalay ng detensyon ng mga ito at nahihirapan na makabuo ng united consensus.Ilang sa kondisyon sa plea bargaining agreement ay ang karagdagang 10 buwan sa panahon ng ipapataw na pagkakakulong o nasilbihang pagkakapiit.Tuloy pa rin ang pagtanggap ng sweldo ng mga akusado hanggat hindi naisasapinal ang hatol ng ito at hindi pa rin napagpapasyahan kung honorable o dishonorable ang pagkakadismis sa serbisyon ng junior officers.Ayaw naman kagatin ni Davila ang posibilidad na magkaroon ng win-win solution sa plea bargaining agreement na aniya’y seryoso ang paglabag na isinagawa ng Oakwood mutineers na dapat mapanagot.

«There is no win-win solution because these accused have committed a serious offense and they have to face the consequences of their actions. Military justice is harsh; it has been designed to be harsh by the lawmakers and we will implement it as strictly as possible, so win-win, that does not seem to be forthcoming, somebody has to face the consequence of what has happened,» ani Davila. (Juley Reyes)

Mar 06 2007

2 Magdalo Leaders, Nagkainitan

MANILA (Mindanao Examiner / 06 Mar) — SUMIKLAB ang tensyon sa pagitan ng dalawang lider ng Magdalo group sa pagdinig kaninang umaga sa Makati City.

Kasunod ito ng naging kahilingan ni Army First Lieutenant Lawrence San Juan sa hukuman na palitan ang kanyang plea charges at gawing guilty upang mapababa ang sentensya nito.

Narinig naman ito ni dating Navy Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes at pumalag sa hakbang ni San Juan. «Sana solohin mo na lang yan!» pahayag ni Trillanes.

Hindi nagustuhan ni Trillanes ang ginawang pag-amin ni San Juan na lalong makapagpapahamak sa iba pang junior officer na akusado sa kasong kudeta bunsod ng pakikisangkot sa Oakwood mutiny noong 2003.

Dakong alas-10:15 ng umaga nang mangyari ang tensyon matapos ang pagdinig sa sala ni Branch 148 Judge Oscar Pimentel. (Juley Reyes)

Related Post