85948200

Bisaya Bloggers » Metro

Mar 12 2007

MANILA (Mindanao Examiner / 12 Mar) – Inabswelto ngayon ng Armed Forces of the Philippines-National Capital Region Command (AFP-NCR Command) ang sariling mga tauhan nito sa alegasyon ng mga militanteng partylist group hinggil sa pangangampanya ng mga sundalo sa Kalakhang Maynila.

Isinumite na ni NCR Command Chief Major General Mohammad Dolorfino kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos ang resulta ng panloob na imbestigasyon nito kaugnay sa pagkakasangkot umano ng ilang sundalo sa pangangampanya para huwag iboto ang mga party list group na iniuugnay sa Communist party of the Philippines.

Katwiran ni Dolorfino, walang indikasyon na nadadawit sa electioneering ang mga sundalo batay na rin sa pahayag ng mga testigo.

«We did not see any indication, based on the words of these witnesses, that there was electioneering,» ani Dolorfino sa Mindanao Examiner.

Pinangunahan ni NCR Command staff judge advocate, Lieutenant Colonel Feliciano Loy, ang isang linggo pag-iimbestiga at pagtatanong sa may 100 residente sa ilang slum areas sa Metro.

Samantala, naniniwala si Dolorfino na maaari pang maging daan ang kanilang community program upang masakote ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group at Rajah Solaiman Movement na nagtatago sa Metro Manila.

Malaking bagay rin aniya ang visibility ng mga sundalo sa Kalakhang Maynila upang magdalawang-isip ang mga terorista na maglunsad ng pananabotahe.

Itinanggi naman ng heneral na may deployment ito sa Muslim communities sa harap ng kanilang kampanya laban sa insureksyon at terorismo. (Juley Reyes)

Related Post

Ivory LingerieIvory Lingerie

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Mindanao Examiner / Jan. 05, 2008) – Security forces captured a sub-leader of the Abu Sayyaf group implicated in the 2001 kidnapping of three US citizens in